Skip to Content
Mangyan Heritage Center
  • 0
  • English (US) Filipino
  • Tahanang Pahina
  • Balita at Ganap
  • Mga Mangyan
  • Serbisyo
    • Librerya
    • Serbisyo
    • Mga Programa
  • Galerya
    • Ambahan
    • Bamboo Whispers
    • Mga Gawaing Mangyan
  • Tungkol sa Amin
  • Suporta
Mangyan Heritage Center
  • 0
    • Tahanang Pahina
    • Balita at Ganap
    • Mga Mangyan
    • Serbisyo
      • Librerya
      • Serbisyo
      • Mga Programa
    • Galerya
      • Ambahan
      • Bamboo Whispers
      • Mga Gawaing Mangyan
    • Tungkol sa Amin
    • Suporta
  • English (US) Filipino

Tungkol sa Amin

Anya, daughter of Antoon Postma

Layon 

Isang sentrong pang-katutubo
nagpapahalaga at nagdiriwang 
sa pamanang kultura ng Mangyan.

Misyon

I-dokumento at itaguyod 
ang katutubong kultura ng Mangyan.


Aklatan ng Mangyan Heritage Center

Noong unang bahagi ng dekada 1960, nabuo sa isipan ni Antoon Postma—isang paring misyonero na nakipamuhay sa komunidad ng mga Mangyan sa Mansalay, Oriental Mindoro—ang ideya ng pagtatatag ng isang sentro ng pamana para sa mga Mangyan. Dahil sa labis na paghanga sa yaman ng kulturang Mangyan, sinimulan ni Postma ang pagdu-dokumento rito, na kalaunan ay humantong sa pagtatatag ng Mangyan Research Center (MRC) sa Panaytayan, isang pamayanang Mangyan sa kabundukan ng Mansalay.  
Habang nakikipagtulungan si Postma sa mga institusyon gaya ng Mangyan Mission sa pamumuno ni Pde. Ewald Dinter, SVD, patuloy na lumawak ang kaalaman tungkol sa mga Mangyan. Gayunman, ang liblib na lokasyon ng MRC sa kabundukan ng katimugang Mindoro ay nagsilbing hamon bago marating ito. Bukod dito, pangunahing pinopondohan ni Postma ang operasyon ng MRC, na naglalagay sa panganib sa pangmatagalang katatagan nito.
Noong 1999, nakipagtulungan si Quint Fansler—isang dating Jesuit Volunteer sa Oriental Mindoro—kina Postma at Dinter para itatag ang Mangyan Heritage Center sa Siyudad ng Calapan, ang kabisera ng lalawigan. Layunin ng inisyatibang ito na ilipat ang koleksyon ng MRC sa MHC para sa pangangalaga at upang mas mapadali ang pagsasaliksik dito.
Pinagsama-sama ni Fansler ang siyam na indibidwal na may iba’t ibang kadalubhasaan at iisang interes sa kulturang Mangyan upang bumuo ng Board of Trustees ng MHC. Idinaos ang unang pagpupulong ng lupon noong Abril 2000 - na nagsilbing transisyon ng MHC mula sa pagiging isang simpleng proyekto tungo sa isang organisasyong mayroong iba’t ibang proyektong nakatuon lamang sa kulturang Mangyan. Opisyal na binuksan ang MHC sa publiko noong ika-14 ng Nobyembre 2000, kasabay ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Oriental Mindoro. Itinampok dito ang tradisyonal na ritwal ng mga Mangyan. Kasunod nito, noong ika-16 ng Marso 2001, opisyal na nairehistro ang MHC sa Securities and Exchange Commission bilang isang "non-profit, non-stock corporation" na nakatuon sa pagpreserba at pagsusulong ng pamana ng kulturang Mangyan. 
Kasalukuyang akreditado ang MHC ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at kasapi ng Association of Foundations.​


Naglalaman ang aming aklatan ng mga orihinal na manuskrito at mahahalagang koleksyon mula sa Mangyan Research Center ni Antoon Postma, na nakabase sa Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro.

Pamanang Kultural ng Mga Mangyan  

Ating Gawain.


Tipunin

Ingatan

Unawain

Ibahagi

Ipagdiwang

Itaguyod


Kaloob ng Mangyan sa Sambayanang Filipino.

Namumuno sa Iba't ibang Grupong Mangyan

Hingin ang Pahintulot ng Pamayanan Nila

Walang awtoridad ang Mangyan Heritage Center na magbigay ng pahintulot 
para sa pananaliksik o pagbisita sa mga pamayanang Mangyan,

at hindi rin ito maaaring magrekomenda ng pamayanan para sa pakikipagtulungan 
o pakikipag-ugnayan sa ibang mga grupo o indibidwal.

Lahat ng pananaliksik, pagbisita, at mga kahilingan  
wpara sa direktang pakikipagtulungan sa isang pamayanang Mangyan 

ay dapat sumunod sa mga tamang hakbang sa pagkuha ng pahintulot 
mula sa mga Mangyan Peoples Organizations.​

Sabay nating isulong ang Prinsipyo ng FPIC

Free, Prior, and Informed Consent (FPIC)

Basahin ng FPIC Pos​​ition Paper ng MHC

Mangyan Iraya

Mal-anggatan Iraya Paranawan Kakuyayan (MIPK)

MR. ERNIE CAPASYAL

President/Chairman

Taisan, San Teodoro, Oriental Mindoro

Mangyan Alangan

Samahan ng Nagkakaisang Mangyan Alangan (SANAMA), Inc.

MR. SAMUEL ORFRECIO

President/Chairman

Paitan Naujan, Oriental Mindoro

Mangyan Tadyawan

Kapyan Agpaysarigan Tadyawan, Inc. (KAMTI)

MR. NORBERTO ESCAREZ

President

Zone II, Poblacion, Socorro, Oriental Mindoro

Mangyan Tau-buid

Tagtasadi Fagayu Tau-buid (TFT)

MR. DELFIN YANUWAY

President/Chairman

Safa, Sabang, Pinamalayan, Oriental Mindoro

Mangyan Bangon

Nagkasadian Uyugan Bangon (NUB)

MR. YAWIN-AY GIA-YAN

President/Chairman

Naswak, Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro

Mangyan Buhid

Sadik Habanan Buhid (SHB)

MR. ENGAY SOLMAY

President/Chairman

Batangan, Bongabong, Oriental Mindoro

Mangyan Hanunuo

Pinagkausahan Hanunuo sa Daga Ginurang (PHADAG)

MR. UNYING TIPON

President

Banti, San Roque, Bulalacao, Oriental Mindoro

Mangyan Ratagnon

HAGURA (Hanunuo Gubatnon Ratagnon, Inc.)

MR. EDDIE WAGAN

President/Chairman

Magsaysay, Occidental Mindoro


Suportahan ang mga Pamayanan-Mangyan

Institutional Partners

We are in good company.

Logo of AlalAlal Foundation


​



  • Tahanang Pahina​
  • Balita
  • Mangyans
  • Library
  • Gallery
  • Adbokasiya
  • Tungkol sa Amin
Makipag-ugnayan
  • Contact us
  • mangyanheritage@gmail.com
  • +63 (43) 441-3132

​

Mangyan Heritage Center is an inclusive, non-profit organization, championing the heritage, rights, and dignity of the eight Mangyan ethnolinguistic groups, working with their peoples’ organizations and culture masters, upholding their Free, Prior, Informed Consent (FPIC), cultural ownership, and data privacy.  

Ang pamilihang ito ay kumakatawan sa isang tahanan ng Pamana ng Mangyan, na aming tinutulungan na mapanatili, saliksikin at itaguyod


Social Media

​
Copyright © Sentro ng Pamana ng Mangyan
English (US) | Filipino
Powered by Odoo - The #1 Open Source eCommerce

Ang paggalang sa iyong privacy ay aming prayoridad.

Pahintulutan ang paggamit ng cookies mula sa website na ito sa browser na ito?

Gumagamit kami ng cookies upang magbigay ng pinabuting karanasan sa website na ito. Maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa aming cookies at kung paano namin ito ginagamit sa aming Patakaran sa Cookie. Tingnan din ang aming Patakaran sa Privacy ng Data.

Pahintulutan ang lahat ng cookies
Pahintulutan lamang ang mga pangunahing cookies