Tahanang Pahina
Mangyan Ambahan:
Karunungan para sa Diwa ng Filipino
Sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month, inaanyayahan namin kayong panoorin ang madamdaming dokumentaryong pinamagatang “Mangyan Ambahan: Karunungan para sa Ating Kaluluwang Pilipino,” na inihandog ng Mangyan Heritage Center. Isang taos-pusong pagpupugay sa mga Mangyan at ang kanilang malalim na epekto sa kulturang Pilipino sa buong mundo ang video na ito.
Ginawa ni Chiara Cox sa pakikipagtulungan sa Mangyan Heritage Center, Pinagkausahan Hanunuo sa Daga Ginurang (PHADAG), the Peoples Organization of the Hanunuo-Mangyans, at ang Antoon Postma family, na inorganisa ng Filipino American Association of Greater Columbia (FAAGC), kasama ang ang Richland Library at itinaguyod ng South Carolina Humanities, ang dokumentaryong ito ay unang ipinalabas ng Filipino American Association of Greater Columbia (FAAGC), South Carolina upang tumulong sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan ng Filipino sa Columbia, SC noong Oktubre 5, 2024. .
Samahan n’yo kami sa pagdiriwang ng mahalagang bahaging ito ng Pamanang Pilipino at tuklasin ang karunungan ng mga Mangyan para ating lahat!s!
Pamana ng Mangyan
Dantaon bago dumating ang kabihasnang Kanluranin, nabuhay nang matatag ang mga Mangyan ng Mindoro sa mapayapang kaisahan, na iningatan ang kanilang katutubong wika, masigasig na kalinangan, at kakanyahan bilang katutubong pamayanan. Akapin natin at ipagdiwang kaisa nila sa pamanang kultura para tanglawan at bigyang lalim ang ating kasalukuyang kabihasnan.
Tuklasin
Kapanganakan at Kamusmusan
Dahil ang layunin ng koleksyong ito ng mga ambahan ay magpakita ng cross-section ng Mangyan poetic verse na may paggalang sa siklo ng buhay ng mga Mangyan, ang mga unang ambahan, na magkakasunod, ay dapat na tumutukoy sa mga unang kabanata ng buhay ng tao.
Ambahan 3
Isang oyayi tungkol sa naka-ambang panganib galing gubat ang dala ng ligaw na pusa. Kailangang tumahan ang bata para huwag magambala ang pusa.
Filipino
Tahan na, aking anak
Hala! ‘ayan na’ng pusa
laog s’yang galing gubat
umingaw, ngumawngaw
wala kitang pambugaw
naputol, yaring sibat
nabingaw, ating tabak!
Ingles
Little one, please cry no more
Watch out now or you might wake
the fearsome forest wildcat
It will growl, oh, it will roar!
and we have no weapons near
Our old spear has been destroyed
Our bolo has long been blunt
Espanyol
Chiquitin no llores más
duerme y no despertarás
al feroz gato montés
¡gruñirá y rugirá!
y no hay armas por aquí
nuestra lanza se rompió
y el bolo no corta ya
Ambahan 7
Kahit mapanganib, ang mga magulang ay naniniwala sa mabisang pag-aaral ng mga anak mula sa karanasan sa tulong ng gabay nila. Ginagamit ang kinagisnang paraan para magturo ng kasanayan at tamang ugali.
Filipino
Ay tabak kung baguhan
ikiskis sa hasaan
itaga sa kahuyanan
talim ay subukan
sa tigas ng kawayan!
Ingles
The bolo you have in hand
grind it hard on a whetstone
hack and test it on some wood
that’s the only way to see
how it cuts on a bamboo plant
Espanyol
El machete que tienes
afílalo en pedernal
pruébalo en la moderna
sólo así podrás saber
cómo cortará un bambύ
Ambahan 16
Panandalian ang awayan ng mga bata at di sila nagtatanim ng sama ng loob. Sandali lang ang pag-iyak. Maglalaro agad ang nag-away.
Filipino
Pag umulan tag-araw
ula’y ‘di magtatagal
Kugo’y dadami lamang.
Ingles
When it rains in summertime
the downpour does not last long
just enough for grass to grow.
Espanyol
Cuando llueve en verano
el chaparrón no es largo
crece apenas la hierba
Pagbibinata't Pagdadalag
Walang dinadaanang seremonya, inisasyon o ritwal ang pagtawid mula sa kamumusan papuntang tinedyer na sapat ng kasarinlan. Sa ilang bagay, binibigyan ang mga bata ng kalayaan sa kabila ng murang edad. Sa kabilang banda, patuloy silang kumikilos nang nakadepende sa magulang.
Ambahan 27
Paano haharapin ng binatilyo ang hamon ng sariling lakad? Di ba niya babalikang tanaw ang matingkad na alaala ng kamusmusan?
Filipino
Kinakalong ni Nanay
kinakandong ni Tatay
sadya pang kamusmusan
tunay akong paslit lang
hanggang sa kaingin man
‘Sinasama ni Tatay
kahit pa utal-utal
sanggol na walang muwang
ngunit nang magka-minsan
lumaki’t magkagulang
akin namang nalaman
kay Tatay, kawikaan
kay Nanay, kasabihan
malayo mang lakaran
saan man ang abutan
kung kasam-an ang datnan
sila lang ang uwian!
Ingles
Mother used to carry me
Father never left my side
when I was but an infant
I used to be a tiny tot
who could hardly speak a word
Walking to the field to work
he would take me by the hand
telling me his old stories
from a deep well of wisdom
Many things are different now
now this boy understands
what it is my father said
what it is my mother said.
Even when I’m walking far
traveling for many miles
my mind reaches back to them
with these problems I must solve
Espanyol
Madre solía llevarme
Padre no se me apartó
cuando yo era nió aύn
apenas un chiquitin
que casi no sabía hablar,
Yendo al campo a trabajar
él tomaba mi mano
contándome sus cosas
con gran sabiduría.
Todo es distinto ahora,
ahora este niño entiende
lo que dijo mi padre
lo que dijo mi madre
y hasta cuando ando lejos
viajando muchas millas
mi mente vuelve a ellos
cuando debo decidir
Ambahan 35
Darating din ang katapusan ng kabataan. Batid ng mga magulang di nila pwedeng asahan na gagawin ng kanilang kabataan ang kagustuhan nila. Tutuloy ang binatilyo sa kanyang landas at walang makapagdidikta sa kanya.
Filipino
Talagang ganyan naman
dampa kung kasikipan
walang halos mahigan
manapa’y pagtiisan!
Ingles
I see what’s happening now
this hut is too small for me
it’s become too hard to sleep
for a boy who’s all grown up
Espanyol
Ya sé que ocurre ahora:
la casa me es pequeña,
aquí le cuesta dormer
a un joven que ya creci
Panliligaw
Ambahan 46
Ito ay hindi maiiwasan na may isang nagbibinata na palaging napupunta sa iba't ibang lugar dahil sa bawat babae. Ito ang karaniwang payo para sa ganoong binata.
Filipino
Hoy ube kong Guhayan
H’wag maraming kabagan
Kapitan mo’y isa lang!
Ingles
IYou, my yam, named Guhayan
Don’t dare climb too many vines!
You should cling to only one
Espanyol
Mi batata Guhayán
no trepes toda parra
cuélgate solo de una
Ambahan 51
Malamang may napupusuan na ang mga manliligaw. Batid nila kung sino ang di nila kursunada. Di na nila ito dapat pagpantasyahan. Higit sa lahat, batid na nila ang pakay ng kanilang pagsuyo at may matinding pagnanais na sila sa binibini.
Filipino
Sa Damo po’y ayaw ko
dahong pampahilo
pampasakit ng ulo
Daliot itong gusto
nagluluwag ang puso
hanggang sa pagkatuyo!
Ingles
I don’t like these blades of grass
they just make me so dizzy
they make my head hurt so much!
I prefer the Daliot
it unites my soul and heart
‘til the hour it falls apart
Espanyol
No me agrada esta hierba
me produce mareos
y dolor de cabeza,
me gusta más el Daliot
une mi alma y corazón
hasta que se deshace.
Ambahan 96
Ang lalaki, kahit na itapon ng babae na kanyang nais, ay magtatangi sa pag-ibig na ito magpakailanman.
Filipino
Magwika ka’t bahala
sa gunita’y iwala
Ako nama’y may wika
sa isip nakataga
magpahanggang kabila!
Ingles
It’s your honest right to say
if you’ll keep me in your heart
But if I may speak up too
my thoughts are engraved with you
until my very last day!
Espanyol
Tú debes de decider
si en tu alma voy a estar
pero yo sí te dire
que me siento unido a tí
hasta mi hora final
Tahanan at Buhay-Pamamahay
Ano ang itsura ng bahay ng Mangyan? Hindi kasinhalaga ang kanyang bahay tulad ng kahalagahan ng bahay para sa kanyang mga kababayan na may modernong kultura. Ang isang Mangyan ay unang aaminin na ang kanyang bahay ay gawa sa murang materyales at ito'y pansamantalang tirahan lamang.
Ambahan 117
May ilang tao na sobrang emosyonal ang reaksyon kaya't pinapayagan ang galit na pumalit sa kanilang pag-iinit ng ulo. Hindi mo ba irerekomenda sa iyong kaibigan na manatiling kalmado para mas epektibong harapin ang kanyang mga problema?
Filipino
Ay bakit ka ba ganyan
init-ulo’y sukdulan
Taklob ba ng langitan
anaki’y ginuhuan?
Pagtila niring ulan
ang galit mong saglitan
bugsong walang nuknukan
hanging walang yupyupan
Tampulan mang tao lang
‘di ba’t may uuwian
panatag na tahanan!
Ingles
What is happening to you?
Why are you so hot-headed?
Could the heavens be falling?
Is everything collapsing?
There’s an end to every rain
Like this, your anger will pass
every typhoon has an end
and can claim no lasting place
You are human, after all
with a home to return to
and peace awaiting you there!
Espanyol
¿Que es lo que te ocurre a ti?
¿Por qué te indignas tanto?
¿Se desploman los cielos?
¿El mundo se derrumba?
toda lluvia se acaba
también tu enojo se irá
todo tifón termina
no perdura en un lugar.
pero tú eres un hombre
con hogar al que volver
y la paz te aguarda allí.
Ambahan 122
Hindi maganda ang magkimkim ng sama ng loob sa isang miyembro ng pamilya. Lumalaki ang galit at nasisira ang relasyon. Dapat itong harapin sa pinakamaagang panahon bago ito tumimo sa kaibuturan ng puso.
Filipino
Kung may hinanakit man
h’wag nawang talikuran
sabihin nang harapan
‘pagkat aking dahilan
Mahinahong papar’yan
Sa tal’hibang Libangan
sa mahabang Anuhan
Ingles
Something made you mad at me
please don’t talk behind my back
let’s settle this face-to-face
You know why I tell you this?
You can give me back my peace
Like the grass of Libangan
where the long Anuhan flows
Espanyol
Si algo mío te enfadó,
no hables a mis espaldas,
de frente se ha de arreglar
¿Sabes por qué te hablo así?
para recobrar mi paz
como el prado en Libagán
por donde fluye el Anuhan
Pagkain at Hanapbuhay
Ano ang itsura ng bahay ng Mangyan? Hindi kasinhalaga ang kanyang bahay tulad ng kahalagahan ng bahay para sa kanyang mga kababayan na may modernong kultura. Ang isang Mangyan ay unang aaminin na ang kanyang bahay ay gawa sa murang materyales at ito'y pansamantalang tirahan lamang.
Ambahan 138
Ang paghahanap ng makakain ang pinagkakaabalahan ng mga Mangyan sa halos buong taon: pagpili at paghahanda ng lupa; pagtatanim ng iniingatang butil; pag-aalis ng mga damo at paglilinis sa taniman; pag-ani ng pinakamahalagang pagkain - ang palay-bundok. Sa kasamaang-palad, ang isang masaganang ani ay nakasalalay sa eksaktong init ng araw, hangin, at ulan. Madalas, isang malawakang tagtuyot, malakas na bagyo, o matagalang pag-ulan na dala ng habagat ang nagdudulot ng kahirapan, at kakulangan ng pagkain. Kaya't hindi nakakapagtaka na ang mga Mangyan ay labis na nag-aalala tungkol sa kanilang mga tanim.
Ang kanin ay pagkaing nakakapagbigay ng saya sa mga Mangyan. Pagkatapos nilang maani ang palay, tila hindi maubus-ubos ang kanilang pagkain. Ngunit bago nila mapagtanto, naubos na ang kanilang bigas, at ang kanilang pag-asa at kaligayahan.
Filipino
Ang payo ko pa noon:
Magtipon ka ng dunong
sa Mangyan, sa Damuong
sa Buhid, sa Ratagnon
Magtanim walang pagod
Para walang magutom!
Ingles
My advice from long ago:
Seek all the wisdom you can
from the Mangyan, Damuong
from the Buhid, Ratagnon
Then plant without ceasing
So you never go hungry!
Espanyol
Mi consejo, ya antiguo:
Indaga todo el saber
del Mangyán y del Damuong
del Buhid y Ratagnón,
luego, planta sin cesar
y hambre nunca pasará.
Ambahan 153
At kahit sa pangingisda. dunong sa paran ng panghuhuli ang kailangan. Di alintana ang liwanag na dulot ng buwang nagpapahirap sa pangingisda. Sa paniwala ng Mangyan, may mahuhuli pa rin sya. Matatag siya, di siya sumusuko kahit may hadlang sa mabuti niyang layunin.
Filipino
Hoy, isda kong Indagan,
pagtirik niring buwan
ako muna’y palabak
palusong at dahilan
baka nga may malambat
‘yang lambat na matatag
nakagapos sa tagdan
may batong pabigat ‘yan!
Ingles
Indagan, my river fish:
if the moon stands still bright
I’ll go to the flood tonight
descending with my eyes peeled
so I have something to catch
with my special, sturdy net
manacled to upright poles
with large stones to weigh it down
Espanyol
Mi pececito Indagán:
si hay luna en calma y pura
iré de noche al agua
con ojos bien abiertos
algo tengo que pescar
con mi extraordinaria red
bien atada a los postes
y lastrada con piedras
Ambahan 160
HIndi nakabatay sa dami ng materyal na bagay ang kayamanan. Bagama't ikinatutuwa ang pagkakaroon ng maraming pagkain at maayos na hanapbuhay, hindi iyon ang nagbibigay-ligaya sa tao. Asawa at mga anak ang nagbibigay-kasiyahan sa Mangyan.
At ito rin ang dahilan kung bakit mahalaga ang isang halamang hindi makakain. May pinaglalagyan ang mga bagay basta nauukol sa mabuting pagsusunuran ng pamilya.
Filipino
Masamyo kong Butinggan
Ay h’wag itapon, Inang
‘suksok lang sa sulukan
Sa ‘taas ng higaan
Pagdating mula parang
sa malayong lakaran
rikit kong pagmamasdan
sa puso’y kagiliwan!
Ingles
My sweet-scented Butinggan
mother, please don’t throw away
better put it near my head
where I lull myself to sleep
When I return from the field
or get home from a long trip
her sight will please me no end
delight for my weary heart
Espanyol
Mi olorosa Butinggan
madre, no me la tires
ponla en mi cabecera
donde me acuesto a dormer.
Cuando vuelvo del campo
o tras un largo viaje
su vista me da placer
alegra mi corazón.
Pamamasyal
Ambahan 162
Bilang pahinga mula sa mga pagsubok sa buhay, kung minsan ang Mangyan ay naglalakbay: hindi siya maaaring manatiling nakatali sa kanyang tahanan, at samaraw-araw na gawain, maging ito man ay maganda o hindi. Gayunpaman, ang asawa ay malungkot na naiiwan sa kanilang tahanan, lalo na kapag ang kanilang mga anak ay maliliit pa.
Filipino
Ikaw na nga’y pariyan
sa isang paglalakbay
Mata mo’y pinagyaman
tanawing maraanan
Narito nga’t naiwan
sa dampang liitan
Walang mapag-isipan
tingin lang sa bubungan
tungo lang sa sahigan!
Ingles
So you will be going now
starting on a long journey
where your sight will be enriched
by the many lands you cross
But I, who will stay behind
here within this small abode:
what thoughts could I entertain
just looking up at the roof
just looking down at the floor!
Espanyol
Tú ahora te marchas ya
para ir a un largo viaje
y esto te enriquecerá
al ver muchos lugares
pero yo me quedo aquí
en un lugar pequeño
sin ninguna distracción
mas que mirar el techo
y mirar luego el suelo.
Ambahan 167
Kaya nga hindi padalus-dalus ang Mangyan sa pagpanaog ng hagdan at pagpunta sa lakad. May pamahiin silang tiyaking walang amba ng panganib sa pag-alis niya sa tahanan. Kung may tanda ng sakuna, ipagpapaliban ang pag-alis hanggang mawala na ang pahiwatig ng masamang mangyayari.
Kahit di tiyak ang kaligtasan, mahalaga pa rin sa pag-alis na panatag at buo ang loob ng isang taong nais maglakbay papunta sa malayong pook.
Filipino
Kanina nang lumisan
pababa sa hagdanan
galing sa may dingdingan
may tukong minatyagan
huning-ibon, anuman
Datapwa’t wala naman
tuko’t ibong siyapan
langingit ni kawayan
maging iyang buho man
walang nahiwatigan
tana’y katahimikan
Taos kong naramdaman
‘lagay na ang kalooban
palad kong pupuntahan
ay payapang batuhan!
Ingles
When I left a while ago
coming down the flight of stairs
and staying close to the walls
I was list’ning real hard
for the bird’s or gecko’s call
But then there was not a sound
not a chirp nor throaty cluck
not the creaking of bamboo
not in the straight, swaying grove
was there as much a squeaking
Oh, it was perfectly still
and so my heart was gladdened
good and ready to travel
there to find its destiny
in that peaceful rocky place
Espanyol
Hace un instante, al salir,
bajando la escalera
y junto a las paredes
escuché con atención
a pájaros y gueckos
pero nada se oía
ni gorjeos ni cloqueos
ni el chirrido del bamboo
ni en el cimbreante bosque
hubo un solo crujido
todo estaba tranquilo;
mi corazón se allegro
dispuesto para viajar
y encontrar su destino
en las tranquilas
Pagtanggap at Pakikipagkaibigan sa Bisita
Kapag ang isang manlalakbay ay dumating sa isang bahay, hindi siya dapat mag-alala na baka di siya tanggapin. Ang pagtanggap at pangangalaga sa mga bisita ay itinuturing na pinakamataas na antas ng pamamagandang-loob ng mga Mangyan.
Ambahan 181
Malugod na tinatanggap ng pamilyang Mangyan ang mga bisita. Ibinabahagi nila ang kasiyahan sa mga bumibisitang kaibigan at kamag-anak sa pamamagitan ng pag-nganga, pagsasalo sa pagkain, at masayang kwentuhan. Paano nga ba matatanggihan ng isang pamilya ang pagdating ng isang bisitang nanggaling pa sa malayong lugar?
Filipino
Katoto kong matalik,
saan ka ba nanggaling?
Sa baybayin bang gilid?
Nanunson ba ng batis?
Kung sa bukal ng tubig
halina at magniig
sa k’wentuhan mong ibig
Di-kilala ma’t batid
makapiling ka’y lirip!
Ingles
When I left a while ago
My friend, make yourself welcome
Where are you from, may I ask?
From the seashore’s ebbing flow
or the banks of murm’ring stream?
If from up the sparkling spring
then without a doubt let’s talk
let me hear your happy tales
stranger though you are to me
you’re welcome to stay right here
Espanyol
Amigo, ¡Bienvenido!
¿Desde dónde has venido?
¿Desde la orilla del mar?
¿Desde un vivo manantial?
Si es de la viva fuente
sin duda hemos de hablar
quiero oir tus relatos;
aunque eres forastero
te invite a estar junto a mí.
Ambahan 205
Ganitong inilalahad ng isang Mangyan ang pangungulila sa isang kaibigang mula sa malayong lugar.
Filipino
Mahal kong kaibigan
kung kita’y pag-isipan
may ilog sa pagitan
may gubat sa harapan
Ngunit kung pagbulayan
parang sa tabi lamang
kapiling sa kandungan
Ingles
You, my friend, dearest of all
thinking of you makes me sad
Rivers deep are in between
forests vast keep us apart
But thinking of you with love
it’s as if you were right here
standing, sitting by my side!
Espanyol
Mi más querido amigo
¡Qué triste es pensar en ti!
rios hondos nos separan
tupidos bosques también.
Recordarte con amor
es como tenerte aquí
sentado cerca de mí.
Pag-aasawa
Bagama't may iba't ibang tuntunin at ritwal ang yugto ng panliligaw, ang kasal naman hangga't maaari ay simple lang. Pagkatapos makuha ang pahintulot ng mga magulang, ang unang pagkatulog ng mag-asawa na walang seremonya ay itinuturing na mismong kasal.
Sa tradiyon ng ambahan, malaking bahagi ang umiikot sa walang katapusang tema ng buhay may-asawa at lahat ng kaakibat nito. Matapos ang maraming taon ng pagsasama, makakalimot ba ng asawa ang pangako na ibinigay niya bilang isang masugid na mangingibig?
Ambahan 210
Isang panghabambuhay na pagsasama ang kasal. Kapag may mga pagsubok na dumating, sinisikap ng mga Mangyan na ayusin ito sa kanilang mga sarili.
Filipino
Panali ma’y marupok
uway mandin ay gapok
ikaw itong ‘susubok
magpapatibay lubos!
Ingles
If the tie that binds is weak
If the rattan tends to break
You should stretch and test it so
It can be strong as ever!
Espanyol
Si el nudo está ya flojo
y el ratán tiende a romper
debes tensarlo y probar
si ya está firme otra vez.
Ambahan 231
Dindi maiiwasan ang pagtatalo sa anumang pagsasama. Hindi dapat sumuko.
Filipino
Kahit may kaguluhan
may tampuha’t alitan
di dapat talikuran
unawain lang naman!
Ingles
Even with all this chaos
these petty grudges and fights
there’s no reason for good-byes
let’s both try and understand!
Espanyol
Pese a todo este lío
disputas y discusión
no hay razón para un adios
tratemos de entendernos.
Ambahan 234
Mananatiling matatag habang sila'y tumatanda nang magkasama ang matatag na kasal sa gitna ng mapanirang puwersa .
Filipino
Kab’yak kong halimuyak,
kita ma’y magkawalay
ngayon at kalian man
kung buklod ay matibay
maayos ang samahan
ikaw nga at ako man
magkahawak ng kamay
kaniig sa kandungan!
Ingles
My sweet-scented cherished wife
even if we are parted
for now and forever more
our union will thus endure:
if our bonds are strong and pure
though you’re you and I am i
our hands are clasped so tight
joined together in one womb!
Espanyol
Dulce y querida esposa
aunque nos separemos
hoy o más adelante
nuestra unión perdurará
si el lazo es fuerte y puro
aunque tú y yo somos dos
nuestras manos unidas
nos elazan con Fuerza.
Pagtanda
Sa pagsasalo sa pagmamahalan, masayang tumatanda ang mag-asaawa.
Ang katandaan sa lipunang Mangyan ay di binibigyan ng espesyal na katayuan at pribilehiyo. Hangga't kaya pa, inaasahan silang makibahagi sa pang-araw-araw na gawain. Kaya't di nakapagtataka na makita ang matatanda at uugod-ugod na nagtatrabaho kasama ng mas nakababatang henerasyon sa kanilang bukurin. Gayunpaman, nararamdaman ng nakatatanda ang di-maiiwasang pag-usad ng panahon. Ito ay isang bagay na di mababago.
Ambahan 235
"Alam ng mga matatanda na ang kanilang araw ay palubog na. Ang pagbabago ay nangyayari araw-araw. Malapit na silang pumaroon sa mga daigidig puntod ng kanilang mga ninuno
Filipino
Hindi ba’t katunayan
katotohanan sa’n man —
maka-tanghaling araw
dapithapong hihimlay?
Ingles
It’s a fact that we all know
A truth wherever we go:
The sun in the afternoon
Will be setting very soon.
Espanyol
Todos lo sabemos bien
y es cierto en cualquier lugar
el sol, al atardecer
muy pronto se pone ya
Ambahan 237
Sa ganang kanila, pinag-uusapan nila ang panahong hindi na sila magkakasama. Magkakaroon pa kaya ng isang araw pagkatapos ng sandali ng gabing ito?
Filipino
Sa Sandaling karimlan
kahit kita magtipan
sa banig na higaan
Pagpusyaw niring araw
tala kang malulusaw
buklod itong bibigay
May tagpo pang daratal
sa iba nang pananaw
bagong-anyo at buhay!
Ingles
At this hour of the dark night
we two are together still
on this woven sleeping-mat
But soon when the sun rises
and the stars will melt away
our bond might break up too
When we’ll ever meet again
it won’t be with mortal eyes
but the eyesight of the soul!
Espanyol
En esta noche oscura
aún seguimos juntos
en el lecho tejido
pero cuando amanezca
y marchen loas estrellas
se acabará nuestra unión.
Cuando nos reencontremos
no será en forma mortal
será con nuestras almas.
Ambahan 242
tahimik na tinatanggap ng isang Mangyan ang sagi ng isip tungkol sa kamatayan. Di ito kinatatakutan at kakila-kilabot na pangyayari gaya sa mga Kristiyano sa kapatagan. Para sa isang Mangyan, ang kamatayan ay bahagi ng likas ng Buhay ng bawat tao. Itinuturing ito bilang isang bagay na magdadala ng tiyak na pagbabagong-anyo, kadalasan para sa mas Mabuti, di para mapasama. Lalo na kapag tumanda na ang Mangyan, iniisip niya ang kamatayan bilang sandali na magbabalik sa kanya sa piling ng kanyang minamahal na namayapa na.
Filipino
Wika ng isang Mangyan
isip ang kamatayan:
Kung yayao’t papanaw
sipul akong hihiyaw
sa babaw ng ‘burulan
Kung dumatal ang asam
pagtagpo natin hirang
usap nati’y puspusan
hahayo na’ng lubusan!
Ingles
So he said, the old Mangyan
musing about life and death
When I go, that will be nice
I will yodel, hoot, and yell
from the highest mountain peaks
When it comes that longed-for time
when I see my wife again
catching up we have to do
happy together again!
Espanyol
Dijo así el Viejo mangyan
pensando en vida y muerte:
cuando yo me haya ido
¡ silbaré y gritaré
desde el pico más alto!
en ese día añorado
en que nos reencontremos
mucho tendremos que hablar
juntos los dos otra vez
.
Karamdaman at Kamatayan
DI maiiwasan ang karamdaman sa Buhay ng tao. Madaling matukoy ang isang taong may sakit. Kapag namatay ng ang Buhay sa lupa, sumasaibayo sa ibang daigidig ang kaluluwa.
Ambahan 246
Ang sandali ng kamatayan, ang kakaibang karanasang ito, ay malinaw na naaalaala pagkatapos ng kaluluwa, lalo na kung dumating sa isangna ang kamatayan sa masakit na kalagayan..
Filipino
Hinagpis ng kalul’wa:
Kanina nang lumisan
sa dampa kong yupyupan
katawan ko’y hirapan
sa banig na higaan
Ayaw ko mang lumisan
balisang nagpaalam
Pa-biling-biling naman
pakaliwa’t pakanan
Manapa’y kung ganyan
ako na ay lilisan
liligo sa hugasan
sa tubig dalisayan
Paro’n na sa hantungan
sa himlayan ni Amang
sa kandungan ni Inang!
Ingles
Recalls the soul lamenting:
A while ago as I left
the hut I had called my home
my body was suffering
long laid down on its sick mat
though not ready yet to go
Thus in agony I left
I was turning here and there
back and forth and right and left
so confused I was that time
Then my body laid to rest
I was ready for a bath
in the waters for the soul
I have started on my way
to the place my father went
where my mother joined him too.
Espanyol
Dice el alma con queja:
hasta hace un rato, al dejar
la casa que era mi hogar
mi cuerpo sufría mucho
mientras yacía en la cama
no era aún hora de partir
estuve agonizando
girando aquí y alli
bamboleo por doquier
me sentí muy confuso
Luego el cuerpo descansó
listo ya para un baño
en las aguas del alma,
me encaminé hacia el lugar
al que se fue mi padre
y mi madre se le unió
.
Ambahan 260
May matibay na paniniwala ang mga Mangyan sa kabilang-buhay, sa pagitan ng pansamantalang at walang-hanggang daigidig, at ang katahimikan at permanenteng tahanan ng kaluluwa.
Filipino
Paalam ng kaluluwa:
Di kayo susumbatan
ni malulungkot man lang
mula ngayon, kaylanman
hayo’y walang balikan
sapagkat katunayan
nagsanga nang tuluyan
ang Wasig na ilugan.
Ingles
The soul bidding his farewell:
I won’t haunt or bother you
I won’t be filled with regrets
from now on and for all time
there is no returning here
that’s the way it has to be
When a river’s current parts,
each stream follows its own course.
Espanyol
El alma, en su adíios final:
yo no os voy a molestar
ni me voy a lamentar
desde hoy en adelante
no volveré más aquí
las cosas así han de ser
si un río se parte en dos
distintos cauces tendrá.